Say Goodbye to 2020

Yugto

Share

Marahas at magulo ang taon na ito para sa iyo. Madaming umalis, madaming nawala at ang iyong mata ay madalas na mugto sa pagluha at pag iyak.

Masakit ang taon na ‘to, pero isa kang mandirigma. Ang importante, hindi ka nagpatalo. Lumaban ka kahit alam mong matagal pa bago ka dumating sa dulo ng laban mo. Lumaban ka pa din, lumaban ka araw araw.

Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit at hirap, mayroon ding saya. Hindi mo lang siguro nahalata. Malamang dahil paunti unti, at pira-piraso ito. Ganun pa man, paalala ito na hindi laging madilim at maulan.

Nawa’y magdala ka ng liwanag sa taon na to. Dahil hindi magdadala ng liwanag ang bagong taon sayo, isa lang itong numero na nagbago. Gamitin mo ang iyong lakas, dahil kung titingnan mo ang mga nakaraang taon, napatunayan na natin kung ano ang taglay mo.

Magbabago ang mga bagay bagay, mag iiba ang paligid, at marami pang aalis at dadarating. Iyong tandaan na ikaw lamang ang makapagdidikta ng aksyon mo sa mga pangyayaring ito. Ang mga desisyon mo ang magdidikta ng direksyon mo. Hawak mo ang taon na ito, ang susunod na yugto.